Base 58 at ang Legacy Bitcoin Address
Base 58 na anyo ng Bitcoin address
Ang Base 58 ay sistema ng representasyon ng numero gamit ang pinaghalong numero at alpabeto (alphanumeric). Halimbawa, pamilyar tayo sa decimal system na gamit ang numerong 0 - 9 (“deci” - 10 - bilang ng baseng numero). Minsan, para mas maging siksik pa ang representasyon ng numero, gumagamit ng hexadecimal (base 16) na system. Bukod sa digits na 0, 1, 2…9, dagdag pa ang mga letrang A, B, … F para makabuo ng 16 na base. Ang ganitong mga sistema ay nakakatulong makatipid sa memorya ng kompyuter kapag malalaking halaga ang sangkot. Halimbawa, ang 16 sa decimal ay F sa hexadecimal. Kita mo? Mas maiksi ang itatagong halaga ng kompyuter.
Sa Base 58, gumagamit ng mga numero, at maliliit at malalaking titik sa alpabeto. Pero, tinanggal ang mga nakakalitong numero/letra na: 0 (Zero), O (malaking o), l (maliit na L), I (malaking i). Kaya, 9 na numero, 24 na malalaking letra ng alpabeto, at 25 na maliliit na letra ng alpabeto: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, A, B, C, D, E, F, G, H, J, K, L, M, N, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z, a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, m, n, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z.
Bakit ito ang napili? Para mas maiksi basahin kesa kapag nakarepresenta ng mas mababang base na system ang Bitcoin address. At dahil nga tinanggal ang mga nakakalitong numero at titik, mababawasan ang pagkakamali sa pagbasa at sulat nito.
Subalit, makikita mo sa susunod na mapapalitan din ito sa mga mas bagong anyo ng Bitcoin address. Ngayon pag-usapan na natin ang iba-ibang Bitcoin address.
Legacy Bitcoin address - Ang unang anyo ng Bitcoin address ay nabubuo kapag ang public key ay dadaan sa 2 hashing functions (SHA-256 at RIPEMD160), tapos ang resulta ay i-e-encode sa Base58Check. Kaya ang isang acronym dito ay P2PKH - Pay to public key hash.
Tignan ang ilustrasyon at tapusin ang pagbabasa sa bagong blog post: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/559