Why Nostr? What is Njump?
2023-04-24 13:00:32

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Blockchain: ang resulta ng Timestamp Server Ang mga transaksyon sa Bitcoin ay inaayos ...

Blockchain: ang resulta ng Timestamp Server

Ang mga transaksyon sa Bitcoin ay inaayos sa anyo ng blockchain. Bawat bloke o block ay may kapasidad, at kung ano ang kasyang transaksyon dito ay sinasama ng mga nodes (mga computer na kasali sa network). Bawat bagong block na nabubuo, ay may koneksyon sa naunang block, parang kadena, kaya blockchain. Ang kadenang ito ng blocks at mga transaksyong laman ng bawat isang block ay bukas sa lahat at pwedeng silipin kahit kelan. Ito ang distributed ledger ng Bitcoin network.

Ang terminong blockchain ay hindi nanggaling sa bitcoin white paper. Ito ay ipinangalan ng iba. Ang deskripsyon ng mekanismo ay matatagpuan sa ikatlong (3) seksyon ng white paper: Timestamp Server. Inilarawan dito na ang timestamp ginagawa sa pamamagitan ng pag-hash ng mga nilalaman ng bloke at ng hash ng naunang block. Kaya bawat bloke ay may marka ng nauna rito. Sa bawat karagdagang timestamp, mas lalong tumitibay ang kaganapang mga transaksyon sa mga unang timestamp. Masasabing ang distributed ledger, na tinatawag na blockchain, ay ang timestamp server din. Time chain? May mga usap-usapan sa komunidad na mas naaangkop ang terminong iyon kesa blockchain. Subukan nating palawakin iyon sa susunod.

Siya nga pala, ang hash ay isang kasangkapan sa kriptograpiya. Pag-uusapan natin iyon sa hinaharap. (Kasalukuyan akong natatagalan sa pagsulat ng kabanatang iyon).

Ang network ng bitcoin ay nakadisenyo kung saan sa loob ng katampatan/average na 10 minuto, may nabubuong bagong bloke. Bakit kailangan pang kada 10 minuto? Dahil ito sa mahalagang sangkap ng bitcoin: proof-of-work. Dito mas mailalarawan ang block chain.
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z