Why Nostr? What is Njump?
2023-07-11 01:19:38

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Simple o Tradisyonal na Cryptography - libang-libang muna Caesar Cipher Ito ay isa sa ...

Simple o Tradisyonal na Cryptography - libang-libang muna
https://bitcoinbakamo.xyz/archives/307

Caesar Cipher

Ito ay isa sa pinakasimpleng anyo ng encryption, na tinatawag ding shift cipher. Ito ay ipinangalan kay Julius Caesar dahil ginamit nya ito sa mga pribadong pag-susulatan.

Ang bawat letra ay binibigyan ng katumbas na ibang letra sa pamamagitan ng pag-usog (shift) ng ilang posisyon base sa pagkakasunud-sunod ng alpabeto.

(Tignan ang naka link na blog para makita ang mga halimbawa.)

Simple Substitution Cipher

Ang susunod na uri ng encryption na titignan natin ay ang tinatawag na simple substitution cipher. Sa pamamaraang ito, ang tagapadala at ang tagatanggap ay may pinagkakasunduang permutasyon ng mga letra. Ibig sabihin nito, pipili ng isa sa mga posibleng pagkakahelera ng letra na itutumbas sa normal na pagkakasunud-sunod ng alpabeto. Mas maigi na random ang cipher. Pero pwede rin gumamit ng susing salita sa unahan, saka ihahanay ang mga natitirang letra na wala doon.

(halimbawa sa link)

Vigenère Cipher

Ang klase ng cipher na ito ay polyalphabetic. Ibig sabihin, nag-iiba iba ang katumbas ng isang letra sa plaintext, papuntang ciphertext.

Ang Vigenère Cipher ay parang kombinasyon ng maraming Caesar Cipher

(halimbawa sa link)

One-time Pad

Sa tradisyonal na cryptography, ang One-time pad ang imposibleng mahulaan basta nasusunod ng tama. Ito ay substitution cipher kung saan:
- Singhaba ng susing salita o cipher ang plaintext
- Ang susing salita ay random talaga ang pagkakakuha
- Ang susing salita ay gamit isang beses lamang. Bawat bagong mensahe ay may ibang susing salita na kukunin.

Makikita mong mahirap gamitin ang One-time pad base sa mga dapat sundin. Lalo na kung mahaba ang mensahe. Malamang hindi mo na kayang tandaan ang random na susing salita. Hindi na ito salita, sa totoo lang.

Marami pang mga tradisyonal na cipher, na hindi na natin pag-uusapan. Makikita na sa paglalaro ng alpabeto umiikot ang mga tradisyonal na cipher. Epektibo sila sa panahon ng manu-mano. Sa panahon ng elektrical at mekanical na mga gamit, madali nalang mahulaan ng masamang loob ang mga cipher, maliban sa One-time pad. Lalo naman sa panahon ng mga computer. Kaso, napakahirap, kung hindi imposible, tandaan ang susing salita o cipher para sa One-time pad. Kailangan isulat o gumamit ng mga storage device. Pero problema mo naman ang maingat na pag-aabot nito.

At paano naman ang matipid na pagpapasahan ng mensahe ng mga taong magkalayo? Kailangan natin ng solusyon na hindi mabigat para sa mga tao ang trabaho ng pagpapasahan ng sikreto, at akma sa panahon ng mga computer at Internet.
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z