Why Nostr? What is Njump?
2023-08-12 09:18:33

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Konting dagdag sa kaalaman: Exclusive-or Pag-usapan muna natin ang konsepto ng ...

Konting dagdag sa kaalaman: Exclusive-or

Pag-usapan muna natin ang konsepto ng Exclusive-or, na madalas gamitin sa isang klase ng symmetric cryptography: stream cipher.

Sa lohika (logic), merong tinatawag na connective. Ito ay function kung saan may input na isa o maraming truth values - bale True at False lang naman pwede - at nagbibigay ng isang truth value bilang output.

Isang uri ng connective ay ang OR. Sa OR, kapag ang kahit isa sa mga input ay True, ang output ay True. Kapag lahat ay False, saka lamang magiging False ang output. Tignan natin sa anyo ng talaan kung paano ginagamit ang OR.


A B A OR B
T T T
T F T
F T T
F F F

Ang mga simbolo ng OR ay: | (A | B), ∪ (A ∪ B), ∨ (A ∨ B)

Mas madalas gamitin o matagpuan ang OR, kaya natin ito binanggit muna. Pag-usapan naman natin ang Exclusive-or na may daglat na XOR.

Sa XOR, ang output ay True kapag isa lamang sa dalawang kondisyon o input ang True. Kapag parehas na False, o parehas na True ang input, ang output ng XOR ay False. Tignan natin sa talaan na ito:


A B A XOR B
T T F
T F T
F T T
F F F

Ang simbolo ng XOR ay: ⊕

Bago tayo umusad, ipakita natin ang XOR sa anyo ng binary: 0 at 1, na syang gamit sa computer science. Sa binary, ang 1 ay True, at ang 0 ay False.


A B A ⊕ B
1 1 0
1 0 1
0 1 1
0 0 0

Mula dito mapag-uusapan na natin ng diretsahan ang stream cipher. Subalit kung bitin ka, dumiretso na sa Kabanata 3! https://bitcoinbakamo.xyz/archives/321
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z