Why Nostr? What is Njump?
2023-12-10 03:00:39

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Elliptic Curve Sa discrete logarithm problem na nirerepresenta ng: Q = [k]P, ano ba ...

Elliptic Curve

Sa discrete logarithm problem na nirerepresenta ng: Q = [k]P, ano ba ang itsura ng P kapag gumamit tayo ng elliptic curve? Ito ay hindi lang numero, kundi point sa elliptic curve. Ang operasyon para makuha ang susunod na point ay hindi lang basta-bastang addition ng numero. Kailangan, matunton pa ang posisyon ng susunod na point sa curve. Sa kontexto ng Elliptic Curves, and multiplication ay addition, ang squaring ay doubling, at ang division ay subtraction.

Ang napiling elliptic curve sa paggawa ng pares ng private at public key sa mga wallet ng bitcoin ay isang Weierstrass (mula sa apelyido ng mathematician na si Karl Weierstraß). Upang maging tiyak, isang Short Weierstrass curve ang gamit.

Basahin ang kabuuan ng usapang ito sa: https://bitcoinbakamo.xyz/archives/457
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z