Why Nostr? What is Njump?
2023-06-21 02:20:00

Bitcoin ba kamo? on Nostr: Intindihin natin ang Kriptograpiya! May bagong kabanata na naman sa ating aklat na ...

Intindihin natin ang Kriptograpiya!

May bagong kabanata na naman sa ating aklat na binubuo! Ito ay tumatalakay sa kriptograpiya – cryptography. Grabe, mahigit isang taong bakanteng oras din ang ginugol para lang mabuo ito.

Tayo ay lumihis pa uli, bago pag-usapan ang bitcoin. Tignan natin ang cryptography (kriptograpiya), na isang mahalagang pag-aaral sa panahon ng impormasyon.
Ang bitcoin ay gumagamit ng konsepto ng public-key cryptography, elliptic curve cryptography, cryptographic hash functions at digital signatures. Teka, ano? Bumalik muna tayo sa basic – mahaba-haba ito!

Ang cryptography ay ang agham at sining ng pagtatago ng mensahe para sa seguridad ng impormasyon. Maaaring sintagal na nito ang sining ng pagsusulat.

Ang konsepto ng cryptography ay:
Plaintext (mensahe) >> Encryption >> Ciphertext (hindi maintindihang anyo) >> Decryption >> Plaintext (mensahe)

Pangangailangan ng Cryptography

Maihahalintulad natin ang mga kondisyon kung san nabuo ang cryptography sa pangangailangan ng pera. Habang lumalaki ang populasyon, dumadami ang hindi mo kakilala. May mga mensahe ka na hindi kelangan malaman ng iba. Sumibol din ang politika, kapangyarihan, digmaan, atbp. na nakadagdag sa pangangailangan at pagsulong ng cryptography dahil sa sitwasyon na marami kang hindi kasundo. Isipin mo ang mga magkakalaban sa digmaan: paano magbibigay ang heneral sa kanyang mga kapitan na nasa ibang lugar, ng mahalagang mensahe na hindi nalalaman ng katunggali?

-----
Pag-usapan natin paunti-unti mula simple hanggang komplikadong antas ang kriptograpiya. Pero tulad ng mga nakaraan, maaari mong diretsuhin ang pag-aaral ayon sa iyong kakayahan, sa pamamagitan ng pagbasa ng buong Kabanata 3! https://bitcoinbakamo.xyz/aklat/kabanata-3-cryptography

At iniimbitahan ang mga bisita sa post na ito na mag-ambag ng kaalaman. Magbigay lang ng komento sa baba.
Kitakits sa ika-10.
Author Public Key
npub1svhmr7l49zyyn0dh8s0wla9f8thtghp6le5kd7wymj5sjrz2kzmsrejk0z