Bitcoin ba kamo? on Nostr: Bukas: 2 kontexto Bukas para sa lahat ang Bitcoin. Hanggat walang pumipigil sa iyo, ...
Bukas: 2 kontexto
Bukas para sa lahat ang Bitcoin. Hanggat walang pumipigil sa iyo, maaari mo itong gamitin, kahit nasan ka man sa mundo. Subalit sa paglaon, habang lumalawak ang network ng bitcoin at nagiging lehitimong karibal ng tradisyonal na salapi, may mga bansang nagbabawal na nito.
Bilang bagong salapi, ang pagiging bukas ay isa sa rebolusyonaryong katangian ng bitcoin. O sabihin nating, ibinabalik ng bitcoin ang nawalang katangian na ito ng pera. Walang pakialam ang bitcoin sa nasyonalidad mo. Walang bakuran, walang teritoryo itong kinikilala. Pwedeng maghanap ng pampigil ang ibang soberanya. Pero alam naman natin na ang Internet ay mahirap pigilan. Magpasa ako ng bitcoin sa katabi ko, o sa kakilala ko sa ibang bansa, ganun pa rin ang transaction fees na mababawas sa akin. Walang karagdagang bayad dahil sa mga cross-border at bank-to-bank na mga transaksyon.
Isa pang kontexto ng bukas, ay ang tinatawag na open source. Open source ay gamit sa mundo ng computer science at programming para sa mga proyektong hindi sinisikreto. Ito ay upang makapag-ambag ang sino mang gustong tumulong gawin, ayusin o pagandahin ang isang programa. Ang ‘source code’ ng bitcoin ay maaaring makita ng kahit sino. Pumunta ka lang sa GitHub, halimbawa.
Bilang open source na programa, mas mapapaigting ang seguridad ng bitcoin network dahil maraming nagtutulong-tulong para mapanatili ang operasyon nito.
Mahalagang katangian ng bitcoin ang dalawang kontexto na ito ng bukas. Bilang pera na katutubo ng internet (native internet money), dapat lang na ganito. Hindi masaya ang internet kundi dahil sa walang katapusang pagpapalit-palit ng ideya, hindi ba?
Published at
2023-04-12 07:09:52Event JSON
{
"id": "f8228da089ce590bcff0c934b197735938f497f9c66218b1a500ee9ab27d4e89",
"pubkey": "832fb1fbf5288849bdb73c1eeff4a93aeeb45c3afe6966f9c4dca9090c4ab0b7",
"created_at": 1681283392,
"kind": 1,
"tags": [],
"content": "Bukas: 2 kontexto\n\nBukas para sa lahat ang Bitcoin. Hanggat walang pumipigil sa iyo, maaari mo itong gamitin, kahit nasan ka man sa mundo. Subalit sa paglaon, habang lumalawak ang network ng bitcoin at nagiging lehitimong karibal ng tradisyonal na salapi, may mga bansang nagbabawal na nito.\n\nBilang bagong salapi, ang pagiging bukas ay isa sa rebolusyonaryong katangian ng bitcoin. O sabihin nating, ibinabalik ng bitcoin ang nawalang katangian na ito ng pera. Walang pakialam ang bitcoin sa nasyonalidad mo. Walang bakuran, walang teritoryo itong kinikilala. Pwedeng maghanap ng pampigil ang ibang soberanya. Pero alam naman natin na ang Internet ay mahirap pigilan. Magpasa ako ng bitcoin sa katabi ko, o sa kakilala ko sa ibang bansa, ganun pa rin ang transaction fees na mababawas sa akin. Walang karagdagang bayad dahil sa mga cross-border at bank-to-bank na mga transaksyon.\n\nIsa pang kontexto ng bukas, ay ang tinatawag na open source. Open source ay gamit sa mundo ng computer science at programming para sa mga proyektong hindi sinisikreto. Ito ay upang makapag-ambag ang sino mang gustong tumulong gawin, ayusin o pagandahin ang isang programa. Ang ‘source code’ ng bitcoin ay maaaring makita ng kahit sino. Pumunta ka lang sa GitHub, halimbawa.\n\nBilang open source na programa, mas mapapaigting ang seguridad ng bitcoin network dahil maraming nagtutulong-tulong para mapanatili ang operasyon nito.\n\nMahalagang katangian ng bitcoin ang dalawang kontexto na ito ng bukas. Bilang pera na katutubo ng internet (native internet money), dapat lang na ganito. Hindi masaya ang internet kundi dahil sa walang katapusang pagpapalit-palit ng ideya, hindi ba?",
"sig": "b3a36453c1853a47afff5e9cbfb943dffbfbcf8fffd1119c1411db986e56bfa4865e670cdb4d0c308359f3b0adc3f19b5604f3fd30de32270780ba96095a856e"
}